^

Para Malibang

Patay na ako, Mahal (35)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

KITANG-kita ni Avery ang pagbagsak ni Russell sa labas ng musoleyo, matapos itong barilin ng babaing may bayong.

Baril na merong silencer ang ginamit kay Russell, alam ni Avery. Natakot ang killer matapos niya itong sigawan.

Natitiyak din ni Avery na sa kotse ng Tita Soledad niya lumulan ang killer. Hindi nga lang nakita kung ang napa­kasamang tiyahin ang nagda-drive; tinted kasi ang sasakyan.

“Russell, oh my God!” Dinaluhan ni Avery ang binata, gimbal na gimbal sa pangyayari. “Huwag mo akong iiwan! Huwag na huwag!”

Latag ang katawan ng binata, umaagos sa bumbunan ng ulo ang masaganang dugo.

“Hu-hu-huuu! TULONG! SAKLOLOOO!” iyak at sigaw ni Avery.

Ewan kung narinig siya ng sepulturerong nasa di-kalayuan. Patakbong lumapit ito sa binatang nakahandusay.

“Panginoong Hesus na mahabagin! Mamamatay ang taong ‘to!” Nagpa-panic ang sepulturero.

“Hu-hu-hu-huu! Dapat po siyang maisugod sa ospital, manong! Gumawa kayo ng paraan, utang na loob ho!”

Hindi tumitingin kay Avery ang manong; ewan kung nakikita nito o naririnig nga ang kontrobersyal na residente ng musoleyo.

May simpleng cellphone ang manong. Kumontak agad sa gate guards ng memorial park na iyon. “Oo, bossing! Binaril ito, agaw-buhay!”

Madali namang nakarating ang service vehicle ng memorial park. Isinugod agad sa ospital si Russell.

Sa pagkakataong ito’y lalong nadagdagan ang agam-agam ni Avery. Nasa harap siya ng musoleyo, takot na takot sa lagay ni Russell.

“Hindi man lang ba ako napansin ng mga sekyu? Gaya rin ni Manong sepulturero?”  takang tanong ni Avery sa sarili.

“Ibig bang sabihin, spirit-form na ako, isa nang kaluluwa?”

Hindi talaga alam ni Avery ang sagot. Labis na naman ang kanyang kalituhan.  “Kung ako’y ispiritu na, may kakayahan na ba akong lumipad sa hangin? Masusundan ko ba ang sinasakyan ni Russell papuntang ospital?”

Inisip niyang makalipad. Iyon lamang ang alam niyang paraan para makahabol sa binatang agaw-buhay.  (ITUTULOY)

vuukle comment

AVERY

BARIL

BINARIL

DAPAT

DINALUHAN

HU

HUWAG

PANGINOONG HESUS

TITA SOLEDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with