^

Para Malibang

10 Tips para sa Men’s Sexual Health

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Last part

Mag-Kegel exercises – Karaniwang inuugnay ito sa mga babae. Ang Kegel exercises ay makakatulong sa sexual enjoyment rin ng mga lalaki.  Ang Kegels ay paraan para palakasin ang  muscles na kumukunekta sa base ng penis at sa tailbone.  Ang mga muscles  na ito ang komokontrol sa pagdaloy ng fluids sa urethra, kaya kung makokontrol ito maaari mong ma­delay ang ejaculation para mapatindi ang orgasm.  Para malaman kung ano ang mga muscles na ito, subukang pigilan ang ihi sa susunod na magbabanyo ka. Ang mga muscles na ito ang kailangang higpitan kaya para gawin ang  Kegels, impitin ang mga naturang muscles ng ilang segundo Kapag kino-contract ang mga muscles na ito, napapalakas ito at mas ‘maliligayahan.

Gumamit ng lubricants – Kapag nagkakaedad ang mga lalaki, unti-unting nakakaranas ng pagkawala ng sensitivity ang kanilang penis. Makakatulong ang lubricants sa problemang ito para mas makakagalaw at mas ‘mag-e-enjoy.’.

Magkaroon ng yearly check-up – Alam nating takot magpatingin sa doctor ang mga lalaki pero kung nais mamintina ang kalusugan at sexual health, siguraduhing magkaroon ng physical check-up taun-taon.

Iwasan ang mga illegal substan­ces – Merong iba na gumagamit ng droga para ma-high sa pag-iisip na mas mag-e-enjoy sila sa sex. Pero kabaligtaran ang epek­to nito. Kung nais makaiwas sa erectile dysfunction, umiwas sa droga.

Magkaroon ng positibong pag-uugali – Ayon sa mga pag-aaral, ang mga lalaking may positibong pananaw sa buhay ay mas OK ang sex-life kaya huwag seryosohin ang buhay, makuntento kung ano meron ka at enjoyin ang buhay.

vuukle comment

ALAM

ANG KEGEL

ANG KEGELS

KAPAG

MAGKAROON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with