^

Para Malibang

Masyadong seryoso ang anak sa bf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Anita, 35 anyos at biyuda na. Ang problema ko ay tungkol sa aking anak na babae na nasa high school pa lang pero may boyfriend na. Masyado siyang seryoso sa lalaki. Kapag hindi siya tini-text o tinatawagan ay nagmumukmok na at nagkukulong sa kuwarto. Ni ayaw makipag-usap. Kapitbahay lang namin ang lalaki na kasing-edad niya. Kumare ko pa ang nanay ng lalaki. Masyado silang bata para pumasok sa relasyon. Nakakasira kasi ng pag-aaral ang pagseseryoso nila sa isa’t isa. Ano kaya ang mabuti kong gawin?

Dear Anita,

Hindi mo lang problema yan kundi problema rin ng kumare mo. Pag-usapan ninyo ang tungkol sa inyong mga anak. Pagsabihan ninyo sila na asikasuhin ang pag-aaral at magtapos ng kurso dahil kinabukasan nilang dalawa ang nakataya. Ipaliwanag ni’yo ang kahalagahan ng paghahanda sa responsibilidad na gusto nilang pasukin. Batang-bata pa sila sa ngayon at naniniwala ako na ang infatuation na nadarama nila sa isa’t isa ngayon ay mapapawi na kapag sila’y nag-mature na.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANITA

ANO

BATANG

DEAR ANITA

DEAR VANEZZA

IPALIWANAG

KAPAG

KAPITBAHAY

MASYADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with