^

Para Malibang

Positibong Pananaw sa Bagong Taon (1)

BODY PAX - Pang-masa

Ngayong darating na naman ang panibagong taon marami sa ating kababayan ang umaasang magiging maligaya at masagana ang taong darating. Kung anu-anong pampasuwerte ng bagay at pagkain ang hinahain sa hapag upang maging maganda ang dating ng bagong taon. Sa mga kapatid nating mga Tsino ay gumagamit ng iba’t ibang pampasuwerte at gabay sa feng shui sa buhay na ngunit ano ba ang dapat nating gawin para maging masaya ang darating na taon? Isa sa mga sangkap sa ating buhay para maging masaya at makabuluhan ang taong darating ay ang pag-iisip ng positibong pananaw. Ano nga ba ang mabuting dulot sa ating kalusugan ng pag-iisip ng mga positibong bagay? Naririto ang ilang benepisyo sa ating kalusugan ng pag-iisip ng positibong pananaw:

• Nakakahaba ng buhay

• Pinababa ang nararamdamang depresyon

• Pinahuhupa ang pagkabalisa

• Pinapataas ang resistensiya laban sa sipon

• Nakakaganda ng pananaw

• Pinapababa ang panganib ng kamatan dulot ng cardiovascular disease

•Nakakayang harapin ang mga ma­tintinding pagsubok na dumarating

Mga gabay para magkaroon ng positibong pananaw

1. Alamin ang sanhi ng mga negatibong naiisip at iwasan ito kapag nararamdamang nagasisimula na.

2. Palitan ng mga positibong panananaw ang mga negatibo

3. Magpasalamat sa kung anumang mayroon. Isipin ang mga taong nakatulong sa iyo para magkaroon ng positibong pananaw.

ALAMIN

ANO

ISA

ISIPIN

MAGPASALAMAT

NAKAKAGANDA

NAKAKAHABA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with