‘Wag isara ang puso
Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Lynet. Mula ng mag-break kami ng bf ko 2 years ago, hindi ko na pinansin ang mga lalaki. Mahal kong masyado ang aking first and last bf. Four years din kami at katunayan nagplano na kaming magpakasal. Pero sa dakong huli ay may nangyari kaya hindi natuloy ang kasal. Napikot siya. May nabuntis siyang babae na naghabol sa kanya kaya napilitan siyang pakasalan ang babae. Maraming nanliligaw sa akin pero may trauma pa rin ako sa nangyaring kabiguan sa akin. Dapat ko bang panatilihing sarado ang puso ko?
Dear Lynet,
Kung wala ka pang nakikitang magpapatibok muli ng puso mo, okay lang na huwag pumasok sa bagong relasyon. Pero kung may napupusuan ka naman at sinisikil mo lang ang damdamin mo, hindi makatuwiran na panatilhin mong nakapinid ang iyong puso. “It is better to love and lost than never to have loved at all” sabi ng kasabihan. Dapat manatiling umiinog ang iyong mundo at hindi ito dapat huminto dahil lamang sa isang kabiguan.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest