Pampasuwerte sa Negosyo
Mga dapat gawin sa tindahan at sa bahay upang suwertehin sa pagnenegosyo:
1. Hanapin ang southeast corner ng iyong tindahan at bahay. ‘Yun ang wealth corner. Linisin mo ang corner na ito at buong bahay.
2. Kung may signage, dapat ay malinaw na nababasa ito kahit sa gabi.
3. Ugaliing ibaba ang takip ng toilet bowl kapag walang gumagamit upang hindi laging naglalabas ng pera dahil sa mga gastusin.
4. Maglagay ng berdeng halaman na may bilog na dahon sa wealth corner.
5. Ang stove ay may kaugnayan sa kabuhayan ng pamilya. Dapat ay laging malinis ito and in good working condition.
6. Maglagay ng maliwanag na ilaw sa harap ng bakuran.
7. Maglagay ng tatlong magkakaparehong bagay sa wealth corner. Halimbawa ay tatlong Chinese bamboo, tatlong aventurine gemstone, etc. Ang mga bagay na ilalagay ninyo ay sumisimbolo ng kayamanan, kaunlaran. Ang kulay na nagbibigay ng magandang kapalaran at ang ay kulay ay violet or purple.
8. Lagyan ng mga sumusunod na gemstone ang cash box: hematite, sapphire, garnet, jet, tourmaline, opal, aventurine, citrine.
9. Maglagay ng tatlong magkakaparehong halaman sa entrance ng tindahan. Halimbawa-tatlong Chinese bamboo plants sa kaliwa, tatlo rin sa kanan.
- Latest