Ang Bathroom at Feng Shui
Ang Bathroom/Toilet ay nag-iimpluwensiya ng kasaganaan o kahirapan ng pamilya. Kung Feng Shui ang masusunod, hindi magandang maglagay ng bathroom sa loob ng bahay. Dito kasi tumitigil ang negative energy. Ngunit for practical reason, sa loob pa rin ng bahay inilalagay ang toilet. Narito ang simpleng paraan upang hindi maging perwisyo ang toilet sa magandang kapalaran ng pamilya:
Panatilihing malinis ang bathroom/toilet sa tuwina. Kasama rito ang paglilinis ng mirror.
Matapos linisin ng sabon at tubig ang sahig ng bathroom, muli itong banlawan gamit ang tubig na hinaluan ng asin. Nakakatanggal ng bad energy ang asin.
Laging ibaba ang cover lid ng toilet bowl kapag hindi ginagamit.
Mag-spray ng air freshener.
Panatilihing nakasara ang bathroom door.
Ang pinakamabilis na paraan upang makaakit ng magandang suwerte ay paglilinis ng lahat ng “spaces” ng iyong bahay. Ayon sa prinsipyo ng Feng Shui, maganda pa rin suwerte ang idudulot ng bathroom/toilet kung lagi itong malinis.
- Latest