^

Para Malibang

Ang iyong buhok

BODY PAX - Pang-masa

Last Part

Nangyayari ang pagkakalbo kapag hindi na normal ang tubo ng buhok. Ang normal na tubo ng buhok ay maaa­ring maapektuhan ng pisikal na abnormalidad, tulad ng malnutrisyon, matagal na pagkakaroon ng mataas na lagnat, o ng isang uri ng sakit sa balat. Maaari ring maapektuhan ng pagdadalang-tao at panganganak ang tubo ng buhok. Kapag wala na ang mga sanhi, ang ganitong uri ng pagkalagas ng buhok ay humihinto at muli na namang nagiging normal ang tubo.

Ang isa pang uri ng pagkalagas ng buhok ay tinatawag na alopecia. Kadalasan, sa ganitong problema, nararanasan ang pagkalagas ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng anit. Ayon sa pananaliksik sa medisina kamakailan na ang alopecia ay posibleng isang sakit sa immune system.

Ang pinakakaraniwang pagnipis ng buhok ay tinatawag na male pattern baldness. Nangyayari ito sa mga lalaki. Nagsisimula ito sa pagkakalbo ng noo o sa pagnipis ng tuktok ng ulo, at unti-unti itong lumalawak. Ang tubo ng buhok ay nagiging di-normal sa apektadong lugar at hihinto sa dakong huli. “Sa apektadong mga lugar ng anit ay pinapalitan ng manipis na buhok na tinatawag na vellus ang dating mahaba, matibay, at may kulay na dulo ng buhok”. Nangangahulugan ito na habang nagpapatuloy ang tubo ng buhok, lalong numinipis at di-tumatagal ang buhok at sa dakong huli ay wala nang tutubo.

Maaaring mag-umpisa ang male pattern baldness ng maagang edad, ngunit maaaring maranasan ito ng kalalakihan sa edad 40 pataas. Bagaman maraming lalaki ang nakararanas ng ganitong uri ng pagkalagas ng buhok ng iba’t ibang lahi. Hanggang sa ngayon ay wala pang natutuklasan na lunas para sa ganitong sakit. Ang ilan ay nagsusuot na lang ng peluka o sumasailalim sa hair transplant.

Kapag numinipis ang buhok ay hindi naman la­ging nangangahulugan na nalalagas na ang buhok. Sa halip, maaari ito ay dahil ang mga hibla ng buhok ay nagiging mas pino, o nagiging mas manipis, at sa gayon ay nawawala ang kapal ng buhok. Ayon sa isang servey, maaari itong magkaroon ng sukat na mula sa 50 micron sa ilang tao hanggang sa 100 micron naman sa iba. Lalong numinipis ang buhok habang tumatanda. Kaya ang kaunting pagnipis ng bawat hibla ng buhok ay may malaking epekto sa pagbabago ng kabuuang kapal nito.

vuukle comment

AYON

BAGAMAN

BUHOK

HANGGANG

KADALASAN

KAPAG

KAYA

LAST PART

NANGYAYARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with