^

Para Malibang

Patay na ako, mahal (1)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

MAHAL na mahal ni Russell ang kanyang ina. Kaya nang ito’y biglang mamatay dahil sa heart attack, hindi ito matanggap ng binata.

Kaysama-sama ng loob ni Russell kay Lord. “Why did You take my Mom? Alam Mo po na kami na lang mag-ina!”

Para kay Russell, mas maraming dapat mauna sa kamatayan. Tulad ng kapitbahay nilang laseng­go at tamad; o kaya’y ‘yung kumare ng Mommy niya na overweight dahil lamon nang lamon.

O kaya’y ‘yung matanda sa di-kalayuang barumbarong na ilang linggo nang nakaratay at pinahihirapan ng hika.

“Lord, You are so unfair to my Mommy!”

Nasa tabi ng puntod ng ina si Russell, hindi mapawi-pawi ang hinanakit kahit pa siyam na araw nang nakalibing ang mommy.

Napaigtad si Russell nang balutin siya ng super-lamig na hangin sa sementeryo.

Kasunod ay mabining tinig na pamilyar. “Russell”.

Napadilat ang singkit na mata ng binata, hindi makapaniwala sa nakita sa likuran niya.

“M-Mommy?”

 Ang mommy nga niya, sa pormang kaluluwa.

Tumango ito. “Ako nga, anak.”

Niyakap ni Russell ang presensiya, umiiyak. “Oh Mommy, hindi ko po matatanggap na wala ka na. Hu-hu-hu-huu”.

“Nasa pagtanggap sa katotohanan ang paglaya. The truth will set you free, Russell, anak”.

Sa  musoleyo malapit sa puntod ng ina ni Russell, isang napakagandang dalaga ang nakatingin sa nagaganap na drama.

Siya si Avery. Kayhirap basahin ng kanyang damdamin.

Lumabas si Avery ng musoleyo, nakasuot ng putimputing mahabang damit ; parang White Lady.

Nilapitan niya si Russell na nasa puntod pa rin ng ina.

Umupo si Avery, pa-squat. Sinuri niya up-close ang guwapong mukha ni Russell, pati na rin ang perfect physique nito. 

(ITUTULOY)

ALAM MO

AVERY

HU

KASUNOD

KAYA

KAYHIRAP

OH MOMMY

RUSSELL

WHITE LADY.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with