Hypothermia (3)
Para sa moderate hypothermia (32-28 oC), senyales at sintomas kagaya ng:
Pagkawala ng malay tao.
Hindi makontrol na pag-ihi dahil sa sobrang dami ng workload sa kidney.
Hindi na nanginginig.
Pagbagal ng heart rate, paghinga at mababang blood pressure.
Para sa severe hypothermia (below 28 oC), senyales at sintomas:
Kawalan ng malay tao at hindi na tumutugon
Lalong pagbaba ng pintig ng puso at maaring humantong sa paghinto ng pintig ng mga taong linalamig.
Hindi tumutugon ang pupil ng mata sa liwanag
Naninigas na muscles – maaaring makaramdam ng rigor mortis.
Kahit mayroon pang pulso at hininga ay mahirap malaman ito.
Dahilan ng panganib ng hypothermia
Mga dahilan na maaaring magpataas ng panganib sa tao ng hypothermia kagaya ng:
Mga maliliit na bata – ang maliliit na bata ay mataas ang panganib sa hypothermia dahil sa hindi nila kayang protektahan ang kanilang sarile sa iba’t ibang kondisyon ng panahon. Mayroon din silang mabilis na pagbaba ng init kumpara sa matatanda.
Mga matatanda – dahil sa kawalan ng abilidad ng matatanda na malaman ang temperature dahil sa pagkawala ng ilang nerve sa balat. Mas mababa rin ang fat at metabolic rate na maaaring makapagdulot ng init sa katawan.
- Latest