Tips sa Paggamit ng Picture
Ang pinag-uusapan natin dito ay mga paintings or poster na ididispley ninyo sa bahay. Narito ang guidelines sa pagpili ng isasabit o ididispley na picture:
Ang subject matter at kulay ng picture ay dapat na nagbibigay ng “good feeling”.
Ang size ng picture ay dapat na “comparable” sa size ng pagsasabitang dinding.
Ang matitingkad na kulay ay bagay sa malawak na space at madilim na area.
Huwag gagamit ng picture ng dagat o kahit anong body of water sa bedroom dahil nakakagulo ito sa pagtulog at pamamahinga.
Ano ang picture na magdadala ng WEALTH?
Larawan ng mga mangingisda na maraming huli ng isda habang nasa gitna ng dagat. Huwag gagamit ng tubig na may malaking alon dahil nagbabadya ito ng kagipitan sa pera.
Ilagay sa entrance ng bahay o sa Southeast corner ang paintings o picture.
Maganda rin ang larawan ng “red bat”. Ang “Red Bat” means “Great Wealth”.
- Latest