^

Para Malibang

Mga pinsalang dulot ng ‘boxing’

BODY PAX - Pang-masa

(Last Part)

Dislocation ng Balikat

Minsan nadi-dislocate ang mga balikat ng mga boksingero dahil sa maling porma o sobrang galaw. Nangyayari ang dislocation ng balikat dahil sa paghiwalay ng mga buto na Scapula sa shoulder joint. Ang  dislocated na balikat ay lubhang masakit. Dahil sa paglawit ng balikat at kawalan ng kakayahan na maigalaw ang braso sa dati nitong posisyon kaya nang yayari ang dislocation ng balikat

Linalagyan ng splint o suporta upang manatili ang posisyon balikat para madaling gumaling ang dislocated na balikat. Ang malubhang dislocation o multiple dislocations ay maaaring humantong sa operasyon upang maayos ang napinsalang tissues na nakapaligid sa shoulder joint.

Mga Kaukulang Hakbang upang Maiwasan ang Pinsala

Maaaring gumamit ng kaukulang hakbang ang mga boksingero upang malimitahan ang posibilidad na pinsala katulad ng:

Protective Equipment: Headgear, no-foul protector cup, mouthpiece, hand wraps at gloves na tumi­timbang ng 16 ounces ay dapat suot ng boksingero sa lahat ng sparring sessions.

Petroleum Jelly: Dapat lagyan ang mukha ng boksingero nito upang ang mga suntok ay dumulas lang sa panahon ng contact.

Yelo: Pampabawas ng pamamaga at sakit pagkatapos ng workout para maiwasan pa ang ano pa mang pinsala.

Pahinga: Isa itong numero unong paraan sa pagpapagaling.

Stretching: Dapat itong ginagawa bago o pagkatapos ang workouts.

Pagpapakondisyon: Ang sobrang pagod at pinsala ay mayroong malaking kaugnayan sa isa’t isa. Kapag ang isang boksingero ay kondisyon ay mas malaki ang porsiyento na maiwas sa pinsala sa katawan.

Depensa: Kilangan na marunong ang isang boksinge­ro na depensahan ang kanyang sarile sa loob ng ring upang maiwasan ang malubhang pinsala sa katawan.

Pakiramdaman ang Sarile

Sa lahat ng naging kaso ng pinsala sa pagboboksing ay naging dahilan ang kawalan pagtatantsa sa sarile. Ang pinsala ay nangyayari kapag ang mga kaukulang hakbang ay binabalewala.

vuukle comment

BALIKAT

DAPAT

LAST PART

MGA KAUKULANG HAKBANG

PETROLEUM JELLY

PINSALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with