^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (78)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HINDI makasagot agad si Tatiana sa tanong ng matinik na reporter na nag-ambush interview sa kanya.

“Why are you here in Manila, Miss Jolie?” tanong ng babaing reporter; siya ay nanghiram ng mukha ng sikat na Hollywood star.

Sa tutoo lang, walang kaalam-alam si Tatiana sa katauhan ni Angelina Jolie; kung paano ito sumagot, kung paano kumilos sa publiko.

Nanghula na lang ang babaing alien na laging gutom. “Well I’m here in Manila as an individual person”.

Nasa malapad na bahagi sila ng sidewalk, sa gilid ng Quiapo Church.

“You have no bodyguards, Miss Jolie?”

Ngumiti si Tatiana, mukhang napakabait. “I got some Pinoy friends around, ready to protect me”.

Nagpalinga-linga ang mga taga-media, nag-iisip kung sino sa kalalakihan sa paligid ang lihim na bodyguards ng Hollywood celebrity.

Isang malaking lalaki ang sumigaw. “Pagod na si Miss Jolie! Isang huling tanong na lang ang puwede!”

Namukhaan ng mga taga-media ang mala­king lalaki. Alam nilang isa itong dating bodybuilder.

“Okay, Miss Jolie, last question—saang hotel  dito sa Manila ka tumutuloy?”

“Speak English, please,” mahinhing sagot ni Tatiana kahit buwisit na buwisit na sa haba ng interview.

“Where are you staying here, in Manila, Miss Angelina Jolie?” tanong ng baklang reporter.

Sumalit ang kapilyahan ni Tatiana a.k.a. ‘Angelina Jolie’. Tumuro sa bandang norte.

“Under the sea, at the North Harbor!” sagot ng babaing laging gutom. “I’m goin’ to eat a whole ship over there! ‘Bye!”

Bago pa nakabawi sa sagot niya ang mga taga-media, mabilis nang nakalayo si Tatiana.

Naiwang nalilito ang mga reporters. “Nari­nig n’yo ang sagot ni Miss Jolie? Kakain daw siya ng isang barko sa North Harbor!”

“Iba rin ang sense of humor niya, ‘no!”

(Itutuloy)

ANGELINA JOLIE

ISANG

JOLIE

MISS ANGELINA JOLIE

MISS JOLIE

NORTH HARBOR

QUIAPO CHURCH

SPEAK ENGLISH

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with