^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (76)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“EEEEEE! EEEEE!”  Nagtititili sa pandidiri na tumakbong palayo si Tatiana sa tomboy na nakabulagtang hubo’t hubad, walang malay-tao.

Tulad ng dati, hindi natagalan ni Tatiana ang umano’y napakabahong amoy ng mga babae. Pakiramdam na naman niya’y mamamatay sa sobrang baho.

Tanging ang ina lamang niyang si Sophia ang mabango sa babaing kumakain ng lahat.

Nanatiling malaking misteryo kumbakit siya nababahuan sa mga babae.

Gaya nang dati ay nakatakas si Tatiana sa kakaibang kamatayan.

Madali siyang nakarating sa siyudad na matao.

Napapailing siya habang naglalakad sa sidewalk, kasabay ang mga babae at lalaking mula sa iba’t ibang antas ng buhay.

Naunawaan ni Tatiana ang sitwasyon. Kahit pala kasabay siya ng mga babae ay safe siya sa amoy ng mga ito, basta huwag magsisipaghubad  sa kanyang presencia.

BEEP-BEEP. HONK-HONKK.

Heavy traffic na sa main road na katabi ng sidewalk.

Maiinit na ang ulo ng mga motorista. Nagsisipagmura na. “Huwag kang sumingit, gago!”

“Ulul, ikaw ang gago!”

May nahagip ang mga mata ni Tatiana sa mga pader sa tabing-daan. Napaigtad siya.

Nakapaskel ang mga larawan niya, base sa cartographic sketch ng pulisya. Most Wanted na pala siya, Enemy Number One ng estado.

Bigla’y natakot na naman sa kanyang kaligtasan si Tatiana. Posible kasing barilin na lang siya sa ulo ng sinumang makakakilala sa kanya.

Nag-isip agad ng paraan ang babaing alien. Ayaw nga niyang mapatay nang walang kalaban-laban sa mundo ng tao.

“Dapat akong magpalit agad ng mukha,” naisip ni Tatiana. “Pero kaninong mukha?”

Natanaw niya sa billoard ang larawan ni Angelina Jolie. (Itutuloy)

vuukle comment

ANGELINA JOLIE

AYAW

BIGLA

DAPAT

ENEMY NUMBER ONE

MOST WANTED

SIYA

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with