Ang babaing kinakain ang lahat (75)
BINARIL nga ng tomboy si Tatiana, tinamaan sa dibdib; kaylakas ng sigaw ng babaing walang kabusugan.
Bumagsak sa lupa si Tatiana, umaagos ang dugo na hindi kulay-pula; kulay-bughaw ang dugo niya, dugong maharlika ayon sa kasaysayan.
Mangha ang tomboy at iba pang nakasaksi. Noon lang sila nakakita ng dugong bughaw.
“Anak ng... royal blood ang babaing ito? Tutoo palang merong royal blood?” sabi ng tomboy, hindi makapaniwala.
Namimilipit sa sakit si Tatiana, nakahiga sa lupa, habol ang paghinga pero matalas pa rin ang isipan.
Nakabawi sa sandaling sindak ang tomboy, muling itinutok ang sandata kay Tatiana.
“Walang royal blood-royal blood sa akin! Papatayin na kita ngayon, babaing super-takaw!”
Pinaputukang muli si Tatiana. Sunud-sunod.
BANG. BANG. BANG. BANG.
Nakapaghanda si Tatiana, mabilis na sinalo ng bunganga ang apat na balang pumapatay; tiniyak na hindi siya tatamaan sa ulo.
Alam na ni Tatiana na patay agad siya kapag sa ulo napuruhan.
“Umm-umm-umm-umm!” Nasalo ng bibig ang lahat ng bala.
Ang tomboy ay hindi na makagalaw sa tindi ng takot.
Nasunggaban ito ni Tatiana. “Aalamin ko ang sikreto mo, wirdong tao!”
Hinablot ni Tatiana ang damit ng tomboy; hinubaran ito ng lahat-lahat ng suot. Bumuyangyang ang katauhan ng tomboy, walang ulirat na natumba.
Kaylakas-lakas na naman ang sigaw ni Tatiana. Mabaliw-baliw sa baho ng tomboy. “Aaahh! Babae ang taong itooo! Aaahh!”
Kinalimutan muna ni Tatiana ang gutom, tumakas. (Itutuloy)
- Latest