Mga pinsalang dulot ng ‘boxing’ (1)
Ipinagbubunyi na naman ng ating mga kababayan ang pagkakapanalo ng pambansang kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao laban kay Chris Algeiri. Isa na namang karangalan ang naibigay sa ating bansa ni Manny kapalit nito ang pakikipagbugbugan niya sa kanyang nakakalaban na nakapagdudulot din ng panganib sa kalusugan niya at kanyang mga katunggali. Anu-ano ang maaaring maging panganib nito sa kalusugan ng bawat boksingero na sumusuong sa ganito kadelikadong sports. Ang boksing ay isang combat sport na maaaring magresulta ng pinsala sa katawan ng atleta. Kinukunsidera ito na isa sa mapanganib sa kalusugan kumpara sa ibang sports. Naririto ang ilan sa mga panganib sa kalusugan na maaaring makuha ng mga boksingero at ilan pang mga contact sports:
Ang mga propesyunal na boksingero ay nakakaranas ng maliliit na pinsala sa katawan kumpara sa mga walang sapat na training sa sports na ito dahil alam nila kung papaano protektahan ang kanilang sarili. Ang karaniwang mga pinsala na nararanasan ng mga boksingero at ilan pang contact sports ay katulad ng:
• Putok at pasa
• Pilay
• Pinsala sa utak
• Bali sa buto
• Dislocation ng mga joints
• Putok at Pasa
Ang pagkakaroon ng putok at pasa ay karaniwan pinsala na nararanasan sa pagboboksing. Nakukuha ito sa pamamagitan ng mga suntok gamit ang kamao na may gloves o sa ulo ng katunggali. Sa amateur boxing ay mas mababa ang porsiyento ng pinsala dahil ng headgear at gloves na hindi gaanong makakasugat. Mas madalas maranasan ng professional boxers ang malalalim na putok dahil sa malalakas na suntok ng magkatunggali.
- Latest