^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (73)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

 NAKATALON mula sa kumukulong tubig ng kawa si Tatiana, naligtasan ang pagkakaluto nang buhay.

“Grawll!” sigaw ni Tatiana, parang tigreng nauulol na sa matinding galit. Nagpaltos  ang balat niya sa pagkakasalang sa apoy at tubig ng malaking kawa.

Napaurong ang dalawang lalaking nagluluto kay Tatiana, ngayon sinagilahan ng matinding takot sa babaing kumakain ng buhay na butanding.

 “P-Pareng Momoy...m-matutulis a-ang ngipin at p-pangil niya...”

“O-Oo nga, Pareng Aryong... k-kakainin tayo n-niyan...”

“Grawll”. Ungol ni Tatiana, palapit sa dalawang tagaluto.

TSAK-TSAKK. Tunog ito ng pagsagpang ni Tatiana sa leeg ng dalawang taga­luto. Pumulandit ang masaganang dugo.
 “Eeeee! Takbooo!” tilian-sigawan ng mga taga-tabing dagat na nakasaksi sa kalagimang iyon.

Pati damit at tsinelas ng dalawang tagaluto ay inubos ni Tatiana. Gumanti talaga nang husto sa nagpahirap sa kanya.

Ang mga tao ay kanya-kanya nang takbo, palayo sa babaing kumakain ng kahit ano.

 Hinahabol nga sila ni Tatiana, matindi ang gutom.

“KAKAININ KO KAYONG LAHAT!”

Isang nanay ang nadapa sa buhanginan, tangay sa pagbagsak ang anak na batang babae, 2-year old.

 Ang mag-inang ito ang inabutan ni Tatiana. Inilabas agad ang matatalim na ngipin at pangil.

 “Huwag po... maawa po kayo...hu-hu-huu.” Niyakap ng ina ang musmos na anak. “Huwag po kami ni Nene”.

Naulit ang naranasan na ni Tatiana, sa harap ng dalawang babae.

  “Aaaah! Napakabaho ninyong mag-inaaa!” Napaigtad si Tatiana. “Mamamatay ako sa bahooo!” (ITUTULOY)

 

AAAAH

EEEEE

GRAWLL

GUMANTI

HUWAG

P-PARENG MOMOY

PARENG ARYONG

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with