^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (70)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

 KITANG-kita ng mga turista ang pagkain-pagkagat ni Tatiana sa buhay na butanding.

  Nagtilian-nagsigawan ang mga ito, lagim na lagim, awang-awa sa maamong higante ng dagat.

 Naubos ni Tatiana ang butanding saktong isang minuto.

 Nai-video iyon ng mga turista, nakarating agad sa social media pati sa radyo at telebisyon.

Sa laot ng dagat, sinundan agad ng helicopter ang babaing kumakain ng butanding. May dalang high-powered firearms ang mga lulan, handang paputukan ang pangunahing kaaway ng bansa.

Mga conservationists ang mga taong ito, galit na galit sa umaabuso sa balance ng kalikasan.

Mas tamang sabihing animal lovers din ang mga nasa helicopter. Hindi nila mapapatawad ang tulad ni Tatiana.

“Hayun!” sigaw ng lalaking nasa helicopter, nakatuon ang largabista o binoculars sa babaing nasa gitna ng dagat.

Ginamitan nila ito ng megaphone. “SUMUKO KA NGAYUNDIN, BABAE!”

Tumingala sa kanila si Tatiana, nakangising binigyan sila ng dirty-finger sign at kontra-sigaw. “MGA ULUL!”

Sumagad ang pagkapikon ng mga nasa helicopter. Galit na galit na sila kay Tatiana.

 Pinaulanan nila ito ng bala.

KAPOW-KAPOW. BANG-BANG-BANG. PRAK-PRAK-PRAKK.

Si Tatiana, sa iba­baw ng dagat ay nawala.

Wala namang ebidensiya na napatay na nga ito.

“Siyet! Paano kung nakasisid lang ang hayup na babaing ‘yon?” gigil na sabi ng pinakalider.

AGAW-LIWA­NAG, nagsisigawan ang mga mangingisdang galing sa laot. “MGA KABAYAN, MAGSIGISING!”  Nahuli nila sa matibay na lambat ang babaing kumakain ng lahat.

(ITUTULOY)

 

GALIT

GINAMITAN

HAYUN

NAGTILIAN

NAHULI

SI TATIANA

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with