^

Para Malibang

‘Type’ ang UV Express driver

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

May crush po akong driver ng UV express na malimit kong masakyan sa aming lugar tuwing papasok ako sa opisina. Nakilala ko siya nang minsang makasakay ako sa kanyang van at sa unahan ako napasakay. Hindi ko alam, type rin pala niya ako. Hindi n’ya ako pinapatabihan sa front seat para raw hindi ako masikipan. Mula noon, inaabangan na niya ako tuwing umaga at dito na rin kami nagkakilala. Nalaman ko na nasa kolehiyo siya noon at napilitang mag-abroad para makatulong sa kanyang pamilya at mapag-aral ang mga kapatid. Nang makabalik siya sa bansa bumili siya ng sasakyan at ito ang kanyang hanapbuhay ngayon. Mabait siya at marami siyang pangarap sa buhay kabilang na ang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa sandaling mapagtapos niya ang pinapaaral na kapatid. Hindi ko pa po siya sinasagot, pero ang problema ayaw sa kanya ng pamilya ko. Nasasaktan ako sa pintas nila sa kanya pero binibigyang konsiderasyon ko rin naman ang kanilang mga payo sa akin. Ano po ang dapat kong gawin? - Tin-tin

Dear Tin-tin,

Wala sa antas ng pamumuhay ang basehan sa pagpili ng lalaking mamahalin. Ang importante, responsable ang isang lalaki, nagmamahalan kayo at nagkakasundo sa maraming bagay. Pero gaya ng pangamba ng iyong pamilya, mabuting kilalanin mo pa ang kanyang pagkatao at hindi lang dinadaan sa kuwentuhan ang pagpapakilala niya ng kanyang sarili. Kung talagang gusto ka niya, puwede siyang pumormal sa inyong tahanan at magpakilala sa iyong magulang. Dito mo makikita kung malinis ang intensiyon niya sa’yo.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AKO

ANO

DEAR TIN

DEAR VANEZZA

DITO

KANYANG

MABAIT

MULA

NAKILALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with