‘Elephantiasis’
Last Part
Ano ang nangyayari sa mga taong may Elephantiasis?
Sintomas - Ang mga sintomas ng mga taong may elephantiasis ay may pamamaga sa mga paa, genetalia, susu at palagiang lagnat na karaniwang may impeksyon sa namamagang paa.
Diagnosis - Makikita ang microfilariae sa paggamit ng microscope. Maaaring ma-diagnose ng doctor base sa sintomas at medical history ng pasyente.
Gamutan - Ang gamot ay hindi epektibo sa mga uod na nasa hustong gulang na. Ang mga bagong microfilariae Na nanggaling sa mga uod na nasa hustong gulang ay makikita lang pagkatapos ng ilang buwang gamutan.
Prevention - Karaniwan ang elephantiasis ay makikita lang sa mahihirap na bansa kaya mahirap makalikom ng pera upang ipangtustus sa pagsasaliksik ng makabagong gamot para sa sakit na ito. Naririto ang ilang epektibong gabay upang maiwasan ang elephantiasis:
• Pag-i-spray upang patayin ang mga lamok.
• Pagbibigay ng mga antibiotics para maiwasan ang impeksyon.
• Pag-inom ng mga gamot para mapatay ang mga microfilariae na umiikot sa dugo.
• Paglalagay ng pressure bandages para mabawasan ang pamamaga.
• Operasyon para tanggalin ang infected tissue.
- Latest