Tanggalin ang Bad Chi sa iyong Aura
Narito ang dapat gawin kapag naging biktima ka ng mapanirang tsismis at kinaaasaran ng ibang tao kahit wala kang ginagawang mali:
1. Kumuha ng 2 pirasong kalamansi.
2. Paikutin sa tig-isang palad ang kalamansi. Habang ginagawa ito ay isipin mong ang lahat ng masasamang ginagawa sa iyo ay hinihigop ng kalamansing hawak mo. Kung alam mo ang pangalan ng taong naninira sa iyo ay banggitin mo na tumigil na siya sa kanyang paninira at ang kanyang galit or inggit sa iyo ay kasamang mahigop ng kalamansi. Gawin ito ng 10 minutes.
3. Lumabas ka at itapon ang kalamansi sa kanal na may dumaloy na tubig o ilog. Patalikod mo itong itapon sa ilog. Huwag kang lilingon sa ilog hanggang makauwi sa bahay.
4. Maligo at lagyan ng kaunting asin ang ipambabanlaw sa katawan.
5. Ang kalamansi at asin ay pinaniniwalaang nakakahigop ng bad vibration ng ating aura.
- Latest