^

Para Malibang

Ina-‘apply’ mo ba ang ‘Golden Rule’?

Pang-masa

Dahil sa dami ng mga taong nagdudulot sa’yo ng inis, stress at sakit ng ulo, minsan nawawala ang pagpipigil mo sa iyong sarili at higit sa lahat, nakakalimutan mo ang “Golden Rule” na dapat sana ay palagi mong ipinatutupad sa iyong sarili at sa iyong kapwa. Paano nga ba maisasabuhay ang “Golden Rule”? Narito ang ilang paraan:

Palaging paalalahanan ang iyong sarili – Kapag mayroong bagay na ayaw mong kalimutan, palagi itong “fresh” sa iyong isip, maging masaya, mapait o nakakagalit na alalahanin, kapag ayaw mo itong kalimutan ay hindi ito mabubura sa iyong isip. Kaya lang kung mga ganitong bagay ang  isisiksik mo sa iyong isip, tiyak na magiging malungkot ka lang at hindi magkakaroon ng magandang araw. Bakit hindi na lang ang “Golden Rule” ang palagi mong isiksik sa iyong utak? Ano nga ba ang sinasabi nito? “Huwag mong gawin ang mga bagay na ayaw mo rin gawin sa’yo” at kung babaliktarin mo naman ito “ Dapat mong gawin sa iyong kapwa ang mga bagay na gusto mo rin gawin sa’yo”.  Hindi ka naman siguro maghahangad na gawan o pakitaan ka ng iyong kapwa ng masama hindi ba? Kaya ang nanaisin mong gawin mo sa’yo ng iba ay tanging mga bagay lang na mabuti at maganda. Sa pamamagitan nito, palagi mong maaalala na gumawa ng mga bagay na mabuti at maganda lang sa iyong kapwa. Hindi ka makakaisip na bwisitin ang araw ng iba dahil lang sa gusto mo o mainit ang iyong ulo at wala ka sa “mood”.

Kapag may lumabag sa “Golden Rule” – Kung nakita mong may lumabag sa sinusunod mong “Golden Rule” at nagdulot ito sa’yo ng negatibong pakiramdam, dapat mo pa rin pigilan ang iyong sarili na patulan ang taong ito para hindi na lumala pa ang sitwasyon.

Masyado mang magulo ang mundong kinabibilangan mo ngayon, pero kung sisimulan mong ipatupad ang “Golden Rule” sa buhay mo, tiyak na magkakaroon ng katahimikan sa paligid mo.

ANO

BAGAY

BAKIT

GOLDEN RULE

IYONG

KAPAG

KAYA

MONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with