Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na noong 1600 sa Istanbul na tinatawag noon na Constantinople, hindi na nagsasalita ang mga lalaki sa nais nilang sabihin sa mga babae, bagkus ay nagbibigay na lang sila ng bulaklak, dahil ang mga bulaklak sa kanila ay mayroong ibig sabihin. Ang tinatawag na “language of flowers” ay pinauso sa Europa ni Lady Mary Worley Montagu, siya ay isang sikat na manunulat ng tula noong 1716. Nagpadala siya ng isang “love letter” sa England na ang pawang nilalaman ay mga bulaklak at ang ibig sabihin nito. Ang ganitong uri ng liham ay uma-bot hanggang sa France at umabot sa 800 uri ng bulaklak ang nabigyan ng kahulugan. Maging ang puwesto o ayos ng bulaklak ay may kahulugan. Kung ito ay nasa kanan ang ibig sabihin nito ay “Ako” at kapag nasa kaliwa naman ay “Ikaw”. Ang ibig sabihin naman ng talulot ng rosas kapag nasa kanan ay “Ikaw ay mahinhin at maganda”. Kaya kung may gusto kang sabihin sa isang babae na hindi mo kayang sabihin, daanin na lang ito sa pagbibigay ng bulaklak.
- Latest
















