^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (52)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

 KINILABUTAN si Tatiana sa scenario na inilahad ng inang si Sofia.

Siya raw ay mapapatay ni Dexter dahil sa matinding selos. Babarilin daw siya sa ulo nang malapitan.

 “Hindi kayang tanggapin ng sinumang matinong lalaki ang lantarang pakikipag-date ng dalagang  pakakasalan. Ilagay mo ‘yan sa tuktok mo kung gusto mong humaba ang iyong buhay.”

 “H-hindi ako tinatablan ng bala, Mommy”.

“Really, anak?Sana nga, ayokong mawalan ng anak—anumang klase ka”. Hirap na hirap ang kalooban ni Sofia.

 Hindi naman ito nakaila kay  Tatiana. Nag-alala ang dalagang alien, para sa sariling kapakanan.

 “Mommy, hindi ka po dapat mamatay agad.  Sino ang  mag-aalaga sa akin?  Sino pa ang magiging tunay kong kakampi sa sinauna mong mundo?”

Hindi man lang pinansin ni Sofia ang makasa­riling pananaw ng anak na alien. Nanaig ang kanyang pagmamahal bilang ina.

 “Kung puwede nga lang bang hilingin ko kay Lord na buhayin ako nang matagal, Tatiana”.

Nagkibit-balikat ang babaing alien. “Bahala na, Mommy.  Basta tuloy muna ang aming date ni Giorgio sa gabing ito”.

Nangilabot na naman si Sofia. “Tatiana, huwag mong kakainin si Giorgio.  Maawa ka sa kanya”.

“Mommy, nabasa ko ang isipan niya. Nais lang niya akong ikama. Wala siyang respeto sa akin...”

 Bumuntunghininga muna si Sofia saka nagpaliwanag. “Anak, paano ka ba irerespeto kung ganyang ikaw ang bulgar na nagyayaya?”

“Mommy, huwag mong problemahin ang mangyayari sa amin ni Giorgio. Sagot ko ang buhay ko” .

DUMATING sa oras si Tatiana. Naamoy na naman niya si Giorgio, lihim na natakam. Pati sapatos ni Giorgio ay kakainin niya sa tindi ng gutom. (ITUTULOY)

 

 

ANAK

BABARILIN

BAHALA

BUMUNTUNGHININGA

GIORGIO

HIRAP

SINO

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with