Umiwas sa pagkaing may ‘preservatives’
Paano maiiwasan ang additives at preservatives?
Ang mga processed at packaged foods ay mainam para sa abalang pamilya, ngunit mayroon itong libong additives at preservatives para sa pagkontol ng kulay, flavor, aroma, nutrition, texture at para tumagal ang pagkain sa pagkakatago. Ang ilan sa mga kamikal na ito ay mabuti at ilan naman ay nakakasama lalo sa mga bata na mas malaki ang epekto sa kalusugan kumpara sa matatanda at napatunayang maykinalaman sa obesity at ADHD.
Limitahan ang mga bata sa pag intake ng food additives sa pamamagitang ng mga sumusunod na gabay:
Alamin ang kinakain ng iyong anak. Magkaroon ng food diary sa loob ng isang linggo, ilista lahat ng kinain kasama na ang kinain sa ekuwelahan. Sa loob ng isang liggo ay magkakaroon ka ng magandang ideya tungkol sa eksposur ng iyong anak sa food additives. Ang food additives ay karaniwan sa processed at packaged foods, candy, soda and other “junk” food, sa pag-iwas sa mga ganitong pagkain ay malaki ang posibilidad na mabawasan ang porsiyento ng additives sa pagkain ng iyong anak.
Kumain ng whole foods. Tamang pagkain ng sariwa at whole grains ang makapag-iiwas sa sistema ng inyong anak ng mga additives. Ang whole foods ay mas masustansiya kesa sa processed at packaged foods. Ngunit kung bibili ng processed foods, tingnan kung mayroong organic options o walang added synthetic colors o preservatives.
- Latest