‘Tinnitus’ (4)
Ang mata ay kailangan ding suriin para sa papilloedema (pamamaga ng likod na bahagi ng mata na tinatawag na optic disk). Ang temporomandibular joints (TMJ) ng panga ay dapat suriin, dahil 28% taong may TMJ syndrome ay nakararanas ng tinnitus. Maaaring mag request ang doctor ng brainstem auditory evoked responses (BAER) test (paglagutok ng tenga), electrocochleography (ECOG), at magnetic resonance angiography/magnetic resonance imaging (MRI/MRA) test (scan para sa utak).
Ang iba pang pagsusuri:
antinuclear antibody (ANA)
B12 fluorescent treponemal antigen (FTA)
erythrocyte sedimentation rate (ESR)
sequential multiple analyzer (SMA-24)
hemoglobin AIC (HbAIC)
fasting glucose
thyroid stimulating hormone (TSH)
anti-microsomal antibodies
Sa taong may pulsatile tinnitus, ay idinadagdag ang pagsususri sa blood vessels upang tignan ang pressure sa loob ng ulo. MRI/MRA or computed tomography (CT) ay karaniwang imi-numungkahi sa batang pasyente na may unilateral pulsatile tinnitus. Ang pulsatile tinnitus ay karaniwan sa nagkakaedad dahil sa atherosclerotic disease at hindi gaanong kaila-ngan na dumaan sa MRI/MRA.
Base sa pag-aaral ay may iba’t ibang kategur-ya kagaya ng cochlear, retrocochlear, central, at tinnitus na hindi alam ang sanhi.
- Latest