^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (47)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

PALIHIM na kinain ni Tatiana ang mga goldfish sa aquarium,  sa opisina ng ama-amahang si Almario.

Sarap na sarap sa mga buhay na goldfish ang dalagang taga-ibang  planeta.

Pero may nalabing isang maliit na goldfish, hindi pa nakakain ni Tatiana.

“Halika sa bunganga ko, little fish, kakainin kita”.

Isang simpleng magic ni Tatiana ang nagpalundag sa isda-- shoot sa bibig ng alien maiden.

Plok. Nguya.  Lulon.

Buurrpp.  Dumighay si Tatiana, nabusog.

Kaso ay nauhaw, kailangang uminom ng maraming tubig agad.

Pronto. Madalian.

Splassshhh.  Ang ulo ang mismong inilubog ni Tatiana sa aquarium.

Glug-glug-gluugg.

Naubos agad ang tubig sa aquarium.

Napatulala ang tanging nakasaksi, ang mensahera. Daig pa nito ang nakakita ng kababalaghan.

Mabilis na ito naman ang minadyik ni Tatiana.

Ginawang buhay na istatwa, a live mannequin.

Manikin na nakatingkayad, nakabungisngis.

SI TATIANA ay nagmasid-masid sa opisina. Nilapitan siya ng mga binatang mas guwapo pa kay Dexter.

“Hi, I’m Giorgio and I want to be your friend”.  Tipong artista si Giorgio.

“Ako naman si Juanico and I’d like to know you better”.

Super-excited si Tatiana, gustung-gustong siya ay hinahangaan ng mga binata. “Guys, hindi n’yo ba itatanong kung sino ako?”

“Ang alam namin, pamangkin ka nina Boss Almario at Ma’am Sofia. What is your name?”

“Ako si BANGEKNGEK, kumakain ng tao. Hik-hik-hikk”.

                                                                                            (ITUTULOY)

 

vuukle comment

ALMARIO

BOSS ALMARIO

BUURRPP

DAIG

DUMIGHAY

GIORGIO AND I

JUANICO AND I

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with