^

Para Malibang

“Ang Babaing Kinakain Ang Lahat” (34)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“PATI ikaw, Luna, ay nabastos ko, nahalikan nang napakatagal...I’m really very sorry,” buong pagsisising sabi ni Dexter kay Tatiana alias Luna.

 Iniiwas ni Tatiana ang mga mata. Hindi masabi sa binata na bitin na bitin siya; na para siyang plantsa na matapos painitin ay hindi pala gagamitin.

Pati mukha ay itinalikod ni Tatiana sa kaharap. “Nagsisisi ka na...nahalikan mo ako, Dexter?”

“No!” tanggi agad ni Dexter. “Ang ibig kong sabihin nagsisisi akong natangay kita sa b-bawal pa...”

 “Bawal pa?” takang tanong ni Tatiana.

“Yes, Luna. Nalimutan mo na bang ang matinding pagsasanib ng mga labi ng babae at lalaking hindi pa kasal ay bawal?” sagot-paliwanag ng binata.

“Kasi’y tatanga­yin tayo nito sa greater sin—matutuloy tayo sa pagsi-sex, Luna. Alam mo ‘yon.”

“NO, hindi ko alam iyon,” nais sabihin ni Tatiana. “Hindi ganyan sa planeta namin, walang bawal-bawal.”

Pero  hindi na ito sinabi ni Tatiana, sinarili na lang.

Namagitan na si Sofia. Dama ng teacher na hindi kakainin ni Tatiana si Dexter, not now na nasa mood itong umibig sa binata.

“Kayong dalawa, tama na ‘yan. Itutuloy n’yo lang ‘yan kung kayo’y may karapatan na. Huwag n’yong babuyin ang bahay ko.” Kahit paano ay naninindigan na si Sofia sa tama.

Napabuntunghi­ni­nga si Dexter. “Tama si Ninang, Luna... wala pa tayong right to make love.”

Nakatalikod pa rin kay Dexter si Tatiana. “Masyado kang unfair, Dexter. Nananahimik ako rito sa bahay nang dumating ka.

“Hinanap mo talaga ako sa kabahayan and you found me.

“Kasunod ay mabilis mo akong pinaibig. Nangako ka pa ngang pakakasalan ako. Pero inuna mo ang paghalik sa mga labi ko.

“At ngayong ako’y napaibig mo na, bigla mong sasabihing...saka na lang?”

Kita ang labis na pagdaramdam at sama ng loob ni Tatiana.

 Sumingit sa usapan si Sofia. “Ako ang hahabol kay Dexter kapag tinakbuhan ka, iha. May tiwala ako dito sa ina­anak ko.”

Nagmadyik si Tatiana, pinalilis sa ha­ngin ang maluwang na palda—­nakita ni Dexter ang panties ng dalaga!

 

(ITUTULOY)

AKO

ALAM

BAWAL

DEXTER

HINANAP

HUWAG

PERO

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with