^

Para Malibang

Problemado sa ‘lesbian’ na anak

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa akong balo. Ang problema ko ay ang anak kong lesbian. Mayroon siyang inuwing babae na may anak, pero hiwalay sa asawa. Hindi ko siya tinanggap sa aming bahay dahil parang lalabas na kinukunsinti ko siya sa maling relasyon. Nagdesisyon siya na kung hindi ko matatanggap ang “nobya” niya, bubukod na sila ng tirahan. Alam kong lesbian ang anak ko at tanggap ko siya bilang siya pero hindi ko matanggap na may karelasyon siyang babae na ibinabahay niya at siya pa ang umaaktong ama ng tahanan. Ang tingin ko, pera lang ang hangad sa kanya ng babaeng iyon. Pero ang sabi sa akin ng anak ko, mahal niya ito at nagmamahalan sila. Ano ba ang dapat kong gawin? - Rose

Dear Rose,

Ginawa mo na ang parte mo bilang ina. Makabubuting pagbigyan mo na siya sa kanyang kagustuhan dahil kahit pilitin mo siyang magpaka­babae, hindi naman ito mangyayari dahil iba nga ang kanyang damdamin. Kung sa palagay mo pera lang ang habol sa anak mo, magigising din siya sa katotohanan. Kung ayaw niyang sundin ang pa­ngaral mo, hindi ka na niya masisisi sa dakong huli.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ALAM

ANO

DEAR ROSE

DEAR VANEZZA

GINAWA

ISA

MAKABUBUTING

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with