^

Para Malibang

Simpleng sintomas ng malalang sakit

Pang-masa

Ito ay huling bahagi ng paksa hinggil sa mga sakit na hindi dapat binabalewala kahit kung titingnan at iisipin mo ay simpleng sakit lamang. Posibleng ang mga sakit na ito ay sintomas na rin ng panganib sa iyong buhay at kalusugan.

Psoriasis – Ang sakit na ito sa balat ay hindi dapat balewalain. Dahil bukod sa nadudulot ito ng iritasyon sa iyong pakiramdam dahil sa pa-ngangati ng iyong balat, malaki rin ang posibilidad na ito ay dulot ng sakit sa puso. Sa pag-aaral ng mga eksperto, lumalabas na habang lumalala ang psoriasis at tumitindi rin  ang panganib ng heart attack sa’yo.  Humihina  kasi ang immune system ng katawan  dahil sa psoriasis kaya maging ang mga arteries ng puso ay posibleng maapektuhan nito.

Metabolic syndrome – Ang sakit na ito ay may koneksiyon sa coronary heart attacks, diabetes na nagdudulot ng maagang kamatayan.  Posibleng kapitan ka ng sakit na ito kung ikaw ay malaki ang tiyan, may alta presyon, mababa ang good cholesterol at hindi tamang timbang ng glucose.  Ang sakit na ito ay maaaring sanhi ng kidney stones. Malaki ang posibilidad na magkaroon ng kidney stones kung isa sa mga nabanggit na palatandaan ay tinataglay mo. Para maiwasan ito, mas mabuting magkaroon ng regular na ehersisyo para bumaba ang iyong timbang at lumiit ang iyong baywang. Bunsod nito, malaki ang tsansa na maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na ito kung mayroong tamang diet.

Hika – Madalas ka bang hikain? Posibleng ito ay dahil sa depresyon at sobrang pag-aalala. Lumalabas sa pag-aaral na ang asthma ay may koneksiyon sa problema sa pag-iisip at emosyon. Ang pag-aaral na ito ay kinumpirma rin ng mga military veterans  na mayroong post-traumatic stress disorder. Ang mga veterans kasi na madalas atakihin ng  PTSD ay madalas din atakihin ng asthma.

BUNSOD

DAHIL

HIKA

HUMIHINA

LUMALABAS

POSIBLENG

SAKIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with