^

Para Malibang

‘Play girl’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa po akong teacher sa isang paaralan sa a-ming probinsiya. May lihim ako na hindi batid ng aking mga kasamahan. Ako po ay isang dalagang ina. Dati po akong lulong sa alak at sadyang mahina sa tukso kaya nagbunga ang aking kapusukan. Ngayon ay binubuhay ko ang aking anak ng mag-isa sa tulong na rin ng aking pamilya. Ikinalulungkot ko po ang sinapit ko dahil hindi ko ito nabanggit nung mag-aplay ako sa paaralang pinasukan ko. Nahihiya tuloy akong malaman ng iba ang aking pagiging dalagang ina. Ano po ang aking gagawin? Tumatanggi ako sa mga manliligaw sa akin at mas prefer ko ang one night stand. Tama ba ang ginagawa ko? - Missy

Dear Missy,

Maaaring maging big deal nga sa profession mo ang tungkol sa personal na estado ng iyong buhay dahil mahalaga ang pagiging magandang ehemplo ng mga guro para sa kanilang mga estudyante. Pero tungkol sa pagkakaroon ng one night stand, mali ito. Hindi maitutuwid ang nakaraang pagkakamali ng panibagong mali. Sikapin mo na maitama ang lahat sa iyong buhay. Natitiyak ko na may lalaking itinakda para tanggapin anuman ang iyong nakaraan kaya itigil mo na ang pakikipag-one night stand dahil hindi ito magandang gawain.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AKING

ANO

DATI

DEAR MISSY

DEAR VANEZZA

IKINALULUNGKOT

ISA

MAAARING

NAHIHIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with