White magic
Last part
Noong araw, ito ang white magic na ginagawa ng mga tao upang makamtan ang ninanais nila. Ikinukuwento ko lang at hindi inirerekomendang gawin dahil ako mismo ay hindi pa nakakaranas na gumawa ng mga naturang bagay.
PARA SUWERTEHIN AT LUMAKAS ANG CHARM SA IBANG TAO: Kung gusto mong gumaan sa iyo ang loob ng bagong kakilala—lihim mong itikom ang iyong kanang kamao kung saan nasa loob nito ang hinlalaki. Ipasok sa bulsa ang nakatikom na kamao habang nakikipag-usap sa tao. Gawin din ito habang nanonood ng bola ng lotto o kaya ay karera at manalangin na tumama sana ang numero o kabayo tinayaan mo.
PARA IKAW LAMANG ANG MAHALIN NG IYONG MISIS O GIRLFRIEND: Kumuha ng balahibo sa bandang buntot ng tandang. Idiin mo (pero huwag susugatan) ng tatlong beses ang dulo ng balahibo sa palad ng iyong misis. O, kaya, magpatuyo ka ng dila ng pawikan. Lihim mo itong ilagay sa iyong bibig at saka makipaghalikan sa babaeng minamahal.
- Latest