^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (1)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

BAGONG kasal sina Almario at Sofia, kapwa 23 years old at parehong maykaya sa buhay. May mga trabahong maaasahan.

Si Sofia ay head-teacher sa public elementary school sa bayan.

Si Almario ay manager ng banko.

Bahagi ng honeymoon nila ang pamamasyal sa tabing-dagat sa gabing iyon. Maliwanag ang buwan, kita ang mga bituin sa langit.

“Tatiana ang napili ko, Al,” nakangiting sabi ni Sofia.

“Anong Tatiana? What are we talking about ba, Sofy?” mahinahong tanong ni Almario.

“Ang pangalan po ng magiging panganay natin, hello?”

“Oh...yes, okay lang. Tatiana kung babae, tama?”

Tumango si Sofia. “Oo, pero kung lalake-- e di Tatiano.”

“Okay lang, Sofy. Anything you say.”

Nagtampisaw sa tabing-dagat ang newlyweds. Nakayapak, bitbit ang mga sandals.

Wooiingg.  Narinig nila ang kakaibang tunog mula sa himpapawid. Sabay na napatingala.

Sabay ding nabigla sa natanaw. “Oh my God, Al! Merong flying saucer!”

Napalunok si Almario. Tama si Sofia, isa ngang flying saucer ang kanilang nakita!

“Kunan mo ng picture, Al, dali!”

 May camera ang cell phone ni Almario. Nagmamadaling kinunan nga ng larawan ang kakaibang sasakyang pangkalawakan.

Klik-klik-klik.

“Got it, Sofy! Buo lahat ng kuha ko!”

Yanig na yanig si Sofia, nais na yatang magka-nervous breakdown. “Oh my God, ini-invade na ba tayo ng aliens?”

“Ang duda ko, hindi iyan napansin ng ating militar! Nanganganib ang bansa natin, Sofia! Posibleng marami ang aliens!”

Natatanaw nila ang biglang paglayo ng flying saucer. Wooiingg.

Panay naman ang kuha ni Almario. Klik-klik-klik.

“Oh my God, Al! Pabalik sila!”  

Napalunok si Almario, patungo sa tapat nila ang flying saucer.  

 “Takbo, Sofia! Takbooo!” Halos hila ni Almario ang ginang.

Pero sinundan sila ng flying saucer, tinapatan talaga! “Sa dagat, Sofia! Lulubog muna tayo sa tubig para hindi nila makita!” lalong binilisan ng mag-asawa ang pagtakbo.

 Pero bago pa nila narating ang tubig, pinatamaan na sila ng kakaibang liwanag ng flying saucer! Tsikissst. Tila kidlat iyon na isa lang ang tinamaan. Si Sofia, sa tiyan ito nasapol ng mahiwagang liwanag. Napasigaw sa sakit si Sofia, napahawak sa tiyan. “Aaaahh!” Kinabahan si Almario. May nangyayari sa tiyan ni Sofia!

Lumalaki nang mabilis ang tiyan ng misis! (ITUTULOY)

vuukle comment

ALMARIO

ANONG TATIANA

KLIK

NAPALUNOK

PERO

SI SOFIA

SOFIA

SOFY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with