‘Sex flush’
Pansinin mo ang iyong balat kapag nakikipag-sex. Namumula-mula ka ba kapag nakikipag-sex?
Huwag mag-alala. Epekto lang ito ng pagtaas ng daloy ng dugo at temperatura ng balat.
Pansinin mo rin ang iyong temperatura. Kapag naa-arouse, para kang nilalagnat. Puwedeng mamula ang iyong pisngi na tinatawag na ‘sex flush.’
Puwede ring mamula ang iyong dibdib, genital area o ang iyong buong katawan. Ang iba ay nag-aalala na baka nagkaroon ng kung anong allergy sa kung anong bagay. Maaaring maisip na allergic ka sa iyong partner, sa bigote, pawis o maging sa kanyang semen. O di kaya sa kung anumang ginagamit niyang lotion o pabango.
Hindi dapat mag-alala dahil natural na bahagi lang ito ng sexual arousal. Mawawala rin ito kapag ‘tapos’ na kayo at normal na ang inyong pakiramdam.
- Latest