Bakit hindi maganda ang spiral na hagdan?
Tanong: Bakit hindi maganda ang spiral na hagdan? Ang isang townhouse na balak naming bilhin ay spiral ang yari ng hagdan. Sabi ng mister ko ay huwag akong maniwala sa Fengshui, pamahiin lang daw yun ng mga Intsik.--- Brenda
Sagot : Mabilis umaakyat at bumababa ang good energy kapag spiral ang hagdan. Ang good energy na umiikot sa ating bahay ay dapat na kumikilos nang mabagal para ma-absorb ito ng kapaligiran at magdulot ng suwerte.
Ang Fengshui ay hindi pamahiin. Ito ay siyensiya ng pagsasaayos ng kapaligiran. Kung ang kapaligiran ay maayos, nakakakilos ng maayos ang enerhiya na nagdudulot ng positibong pangyayari.
Paulit-ulit kong isinasagot sa mga kontra sa Fengshui pero nagbabasa naman ng aking kolum: Ang mga lathalain ko ay maihahalintulad sa pagkain. Ito ay inihahain ko sa lahat pero hindi naman ipinagpipilitan.
- Latest




















