^

Para Malibang

The ghost of padre tililing’(68)

‘TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“MIRANDA, gising! Gisiing!” sigaw ni ‘Padre Tililing’ sa diwa ni Miranda, sa isip lamang nito.

Si Simon ay nanatiling tulog sa loob ng tumatakbong SUV.

Nagising si Miranda, manghang kaharap niya si ‘Padre’.  “C-Carlo, akala ko’y lumayo ka nang tuluyan, n-nag-alala ako.”

“Miranda, gustong sipsipin ng mga mana-nanggal ang baby sa tiyan mo!” tarantang babala ng ‘padre’

Napabalikwas si Miranda. Pati si Simon ay nagising.

“Simon, kunin mo ang gunting sa  glove compartment, daliii! Dalian mooo!” utos ni Miranda sa mister. 

Taka si Simon. “Aanhin mo ba ang gunting?”

Nagpa-panic na iti-nuro ni Miranda ang mga manananggal;  inilalawit na ng mga ito ang mala-sinulid na dila.

Nagawang ipasok sa siwang ng car window ang panipsip ng di pa naisisilang na sanggol. Ilang dangkal na lang ang layo sa sinapupunan ni Miranda.

Nataranta na rin si Simon. Sa tulong ng driver ay nakuha na niya ang gunting na matalas. “Miranda, ako ang hahadlang sa kanila!”

Hindi na nag-aksaya ng sandali si Simon. Ginamit agad ang gunting sa dalawang tila sinulid na kaaway.

SNIP.SNIP.

“Aaaahh! Aiyiii!” sigaw ng dalawang manananggal, sa tindi ng sakit na nadama; naputulan ng dila ang mga ito.

Napilitang hugutin  agad ang nalalabi pang mga dila. Dumudugo ang mga iyon; dugong itim, kakulay ng gabing walang buwan.

Saglit pa’y lumilipad nang palayo ang dalawang manananggal, bigumbigo na makatikim ng sanggol na di pa naisisilang. Plap-plap-plapp.

Saka pa lamang nakahinga nang maluwag sina Miranda at Simon. Yanig na yanig sila sa pangyayari.

Nakahinga rin nang husto si ‘Padre Tililing’, alam na muntik nang mawalan ng  unborn baby ang mag-asawa.

Napahagulhol kay Simon si Miranda. “Salamat kay Carlo, siya ang gumising sa akin habang nais nang sipsipin ng mga aswang ang baby natin!”

“Narito pa rin pala ang... lover mong multo?”

“Simon, pasalamat nga tayo at hindi pala niya ako iniwan! Kundi’y baka nawalan na tayo ng anak!”

Bumuntunghininga si Simon, kinukontrol ang nagbabangong selos.

Ayaw na ayaw ni Simon na ang multo ang nagigiging bida sa paningin ni Miranda.

“Ako ang mabilis na gumunting sa dila ng dalawang manananggal, Miranda!” paalala ni Simon. “Ako ang humadlang sa mga aswang, hindi si Tili-ling!”

Nakaunawa naman si Miranda, niyakap si Simon. “Oo na, kayong dalawa ni Carlo ang aking heroes!” (ITUTULOY)

vuukle comment

AAAAHH

AANHIN

AIYIII

AYAW

MIRANDA

PADRE TILILING

SI SIMON

SIMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with