^

Para Malibang

The ghost of ‘Padre Tililing’(67)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NANANATILING  ‘nama-magnet’ ng katauhan ni Miranda si ‘Padre Tililing’—at ito ay nagdudulot ng masamang pakiramdam sa  mabait na multo.

 “My sweet Lord, bakit po naman nagkaganito ang papel ko?  Bakit po para na ‘kong asong ulul na nakabuntot kay Miranda?”

 Hindi talaga maunawaan ng ‘padre’  ang scenario ng Pa­nginoong Diyos. Isa lamang siyang super-liit na tuldok sa uniberso.

Hindi niya kayang isipin ang agenda ng Langit.

“Thy will be done, oh Lord! Mangyari po ang Inyong kalooban!” sigaw ng ‘padre’ sa kalawakan.

SA family van, sina Miranda at Simon ay nakatulog habang naglalakbay. Payapa silang makababalik sa teritoryo sa tabing-dagat, inaasahan nila.

At si ‘padre’ ay nakasunod pa rin, nasa tapat ng bubong ng van, lumilipad na parang si Superman.

Tanging ang mga ibong maya ang nakakaalam at nakakaamoy sa presencia ng mabait na multo. Twiit-twiit-twiiiit.

Nakikita rin pala si ‘padre’ ng mga pang-araw na aswang. Mga aswang na anyong normal na tao. Sa gabi nagiging tunay na aswang ang mga ito.

Merong mga buong aswang na maiitim ang butuhang mga pakpak; parang mga paniki at bayakan.

 Meron din sa kanila na kalahati lang ang katawan—ang mga mananaggal.

Dama ni ‘Padre Tililing’ang presence ng mga pang-araw na aswang. Masama ang tingin sa kanya ng mga ito.

 Pero hindi pinapansin ng ‘padre’ang mga aswang; iba ang umaagaw sa kanyang atensiyon.

 Ang ‘magnet’ na hindi niya matutulan. Si Miranda.

Panay ang sulyap ni ‘Padre’ sa tanging babaing lagi niyang mahal. Nakikita niyang ito ay tulog sa upuan, katabi ang tulog ding si Simon.

 Ang palda ni Miranda ay nakabulislis, kita ang mapuputing hita pati na ang nakasungaw na puting panties.

Ang kamay ni Simon ay nasa hita ni Miranda.

Pero hindi na nagnanasa ang mabait na multo ni ‘Padre Tililing; wala na sa kanya ang tawag ng laman.

GABI na nang makapasok sa Kamaynilaan ang sasakyan nina Miranda.

 Nakita agad ng ‘padre’ ang mas dumaming mga aswang na kasunod nila; alam na siya ang pakay ng mga ito.

 Mali. Hindi pala siya ang pakay ng mga kampon ng dilim.

Si Miranda palang buntis!

 Ngiss-ngiiss-ngiiss.

 Inilalawit na ng mga aswang ang mala-sinulid na mga dila. Anumang sandali ay sisipsipin na ang nasa sinapupunan ni Miranda.

 Nag-panic ang ‘padre’, pumasok agad sa tumatakbong sasakyan ni Miranda.

  “Miranda, gising! Gisiiinng!”  (ITUTULOY)

 

vuukle comment

ASWANG

MIRANDA

NAKIKITA

PADRE

PADRE TILILING

PERO

SI MIRANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with