Karagdagang Kaalaman sa Feng shui
Bullying
Nakakaranas ba ng pambu-bully ang iyong anak? Inspeksyunin mo ang kanyang bed arrangement. Minsan, ang culprit ng bullying ay ang posisyon ng kanyang higaan. Baka ang kanyang bed ay nakatapat sa bedroom door. Kapag ganito ang ayos ng kanyang higaan, diretsong tinatamaan siya ng “energy” na pumapasok sa kuwarto. Ang energy na nabanggit ay nagiging poison arrow sa bata. Mababawasan ang tiwala niya sa kanyang sarili. Ang kawalan ng tiwala ay magre-reflect sa kanyang kilos. Ang mga bad guys pa naman sa school, mga estudyanteng mahihina ang personalidad ang gustong-gustong biktimahin. Kaya siya ang pag-iinitan ng mga ito.
Pangangaliwa
Sa Feng shui, magandang suwerte ang idinudulot ng tubig sa ating buhay kung nasa tama itong direksiyon. Ano ang binabanggit kong tubig? Aquarium, swimming pool, gripo, fountains. Ang mga nabanggit ay dapat na nasa left side ng front door kung ikaw ay nakaharap sa labas ng bahay. Kung ilalagay mo ang “tubig” sa right side, aakit lang kayo ng 3rd party na gugulo sa inyong relasyon. Tandaan: ILAGAY SA KALIWA ANG “TUBIG” PARA MAIWASAN ANG PANGANGALIWA.
- Latest