^

Para Malibang

The ghost of ‘Padre Tililing’ (60)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAISUGOD pa naman ng mga taga-niyugan si Simon sa provincial hospital.  Tuluy-tuloy ito sa Emergency Room o ER.

 Halatang naghahabol ng mga sandali ang duktor at narses na maisalba ang pasyente.

Si ‘Padre Tililing’ ay taimtim na nagdarasal para sa kaligtasan ni Simon. Wala sa kanyang kakayahan na hulaan ang sasapitin nito; kung mabubuhay o mamamatay.

 Ngayon naghihintay ng himala si ’Padre’, alam na sa panahong ito ay nagaganap pa rin ang mumunting milagro.

“Mawawarak po ang puso ni Miranda kapag ngayon natuluyan si Simon, my Lord. Iligtas Mo po sana siya...”

Ang mabait na kaluluwa ni Carlo a.k.a. ‘Padre Tililing’ ay naupo sa waiting area sa labas ng ER, patuloy sa pagdarasal.

Abot sa Langit ang kanyang taimtim na dasal; siguradong abot din sa Kataas-taasang Diyos.

 Pero dapat bang mabuhay si Simon dahil kay Miranda lamang? Di ba dapat ding isaalang-alang ang ibang nagmamahal dito?

 Si Myrna at ang nanay ay pasugod na rin sa ospital. Kinasusuklaman nila ang mga bandidong dumukot kay Simon.

Kung mayaman lang sila ay dudurugin nila sa korte ang mga bandidong nagpahirap kay Simon.

 Ngayon nagdudumilat sa kanila ang katotohanang higit na nabibigyan ng ngipin ang taong maraming pera; api ang mahihirap.

Patanaw-tanaw sa loob ng ER si ‘Padre Tili­          ling’. Kita niyang pawisan na ang dalawang duktor at mga narses; hangga’t maaari ay ayaw mamatayan ng pasyente sa operating table.

SI MIRANDA ay hindi nakatiis, pinuntahan niya sa probinsiya si Simon.

  Saka pa lamang niya nalaman, makaraan ang dalawang oras na paglalakbay, na agaw-buhay sa ospital ang asawang legal. (ITUTULOY)

vuukle comment

EMERGENCY ROOM

LORD. ILIGTAS MO

MIRANDA

NGAYON

PADRE TILI

PADRE TILILING

SI MYRNA

SIMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with