^

Para Malibang

‘Dalawa ang bf ko’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po’y dalaga at nagtatrabaho sa isang mall. May dalawang bf po ako. Three years na po kami ng una. Yung pangalawa ay kumpare ko sa bunsong anak niya. Pareho ko po silang katrabaho. Pareho po nilang hindi alam na dalawa sila sa buhay ko. Pareho ko po silang mahal. Gusto ko na pong makasama at magkaroon kami ng anak ng first bf ko kapag naging regular na siya sa trabaho. Ang problema ko ay nahuhulog na po ng tuluyan ang loob ko sa aking kumpare. Sana po mapayuhan ninyo ako. - Missy

Dear Missy,

Dalawa ang bf mo na pareho mong kasamahan sa trabaho. Ang isa ay may asawa na at kumpare mo pa. Kahit sino siguro ang hingan mo ng payo ay tiyak na sasabihin sa’yong mali ang ginagawa mong pamamangka sa dalawang ilog. You cannot have both worlds. Kaya bago pa nila mabisto na dalawa sila sa buhay mo ay kumilos ka na. Kalasan mo na ang kumpare mo dahil malaking gulo yan kung malaman sa opisina ang inyong relasyon. Paano kung makara­ting sa kanyang misis? Mas malaking iskandalo. Baka pati nobyo mo na mahal na mahal mo ay tabangan sa’yo at mapurnada pati ang inaasam mong pagkakaroon ng isang pamilya.

Sumasaiyo,

Vanezza

DALAWA

DEAR MISSY

DEAR VANEZZA

KAHIT

KALASAN

KAYA

PAANO

PAREHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with