^

Para Malibang

Iresponsableng boyfriend

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Moneth, 24 yrs. old. May boyfriend ako at two years na kaming mag-on. Sa loob ng mga panahong iyon ay malalim na ang aming relasyon at marami na ring nangyari sa amin. Nabuntis niya ako at ipinalaglag namin ang sanggol dahil ito ang gusto niyang mangyari. Sabi niya hindi pa raw siya handang mag-asawa. Naulit pa ang aming pagtatalik hanggang sa mabuntis na naman ako. Gusto na naman niyang ipatanggal ito. Pero nakukonsensiya na ako.  Alam kong kasalanan ito. Magdadalawang buwan na ang dinadala ko at ilang linggo na lang siguro ay halata na ito. Pero nagmamatigas ang nobyo ko na ipalaglag ito. Ano ang gagawin ko?

Dear Moneth,

Noong una mo pa lang ipalaglag ang sanggol ay nagkasala ka na. Tama ka ngayon sa desisyon mo na huwag ipalaglag ang sanggol. Maaaring magalit sa iyo ang iyong mga magulang pero iyan ang tamang gawin. Hindi maaaring ituwid ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Kung ayaw ka niyang panagutan, kalimutan mo na siya at mag-isa mong itaguyod ang sanggol na iyong isisilang. Hindi ka mahal ng iyong nobyo. Ginagawa ka lang niyang parausan kaya magising ka sana sa katotohanan.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

 

vuukle comment

ALAM

ANO

DEAR MONETH

DEAR VANEZZA

GINAGAWA

MAAARING

MAGDADALAWANG

NABUNTIS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with