^

Para Malibang

Drug pusher ang ka-live-in

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

May ka-live-in ako na nakilala ko lang sa text. Guwapo siya kaya lalo akong na-in-love sa kanya. Wala nang ligawang naganap dahil nang magkita kami ay nagkaroon na kami ng mutual understan­ding. Lumipas ang ilang buwan at nag-decide kaming magsama kahit tutol ang aking mga magulang. Umupa kami ng bahay at maligayang nagsama. Mabait siya at sunod ang layaw ko sa kanya kahit hindi niya sinasabi sa akin kung ano ang trabaho niya. Hanggang sa isang araw, may dumating na mga pulis sa amin at may dalang warant of arrest. Sangkot daw siya sa droga at itinuro siya na supplier ng naarestong pusher. Umuwi ako sa amin dahil ikinulong siya. Sabi ng magulang ko kalimutan ko na siya dahil wala raw akong kinabukasan sa kanya. Balak pa sana naming pakasal. Dapat ko ba siyang limutin?

- Jaz

 

Dear Jaz,

Maaaring nagmamahalan kayo, subalit  tingnan mo rin ang kahihinatnan ng iyong buhay sa kanya. Walang masamang magpakasal kayo kung binata siya at dalaga ka. Pero kung magpapakasal ka sa kanya, papasanin mo pati problema niya. Paano kung mabilanggo siya nang matagal? Mabuting ayusin muna niya ang kanyang kaso at sakaling mapawalang sala siya sa bintang, saka n’yo pa lang maiaayos ang inyong pagsasama. Nasa sa iyo pa rin ang huling desisyon. 

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

BALAK

DAPAT

DEAR JAZ

DEAR VANEZZA

GUWAPO

HANGGANG

JAZ

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with