^

Para Malibang

Kilalanin ang 12 Sun Signs (4)

MGA SUWERTENG DULOT NG NUMERO - Ms. ABH - Pang-masa

Gemini:

Mahirap intindihin ang ugali ng isang Gemi­nian pero romantiko sila. Kapag siya’y nagmahal, ginagamit niya ang utak kaysa puso. Type ng Geminian na kasingtalino rin nila ang kanilang mapapangasawa. Ayaw ng lalaking Geminian ng asawang dominante. Kapag nabisto niyang may ganitong ugali ang kanyang misis, hindi siya magdadalawang isip na makipaghiwalay. Compatible sila sa Libra, Aquarius, Aries, at Leo.

Ang Geminian lady ay matalino kaya’t gusto niyang magtrabaho kahit pa may anak at asawa na siya. Kaya kung ikaw ay tipo ng lalaking iginagarahe lang sa bahay ang asawa, huwag kang pipili ng Geminian dahil kung ipipilit mo ang iyong gusto, lalayasan ka niya.

Masuwerte sa kanila ang Lunes, Miyerkules, Huwebes at Biyernes. Dumarating ang mga prob­lema sa Martes at Sabado. Magandang isagawa ang paglalakbay sa ‘di kalayuang lugar kapag araw ng Linggo. Ka-vibes ang number 7 at 3. Naaakit sa mga numerong 5, 6 at 9. Walang dating ang number 1 at 2. Hindi kasundo ang 4 at 8. Nagdadala ng suwerte ang yellow, purple, blue, green at pink. Iwasan ang pula at itim.

Cancer:

Makapamilya ang Cancer-born person dahil laging una sa kanyang priority ang pamilya. Mapagkakatiwalaan siya dahil hindi niya kinukunsinti ang pandaraya. Kaya kung yayaman siya, iyon ay siguradong bunga ng kanyang paghihirap at hindi sa pandaraya. Tapat kung magmahal  ngunit hindi siya demonstrative. Magaling magpayo ngunit ang sariling problema ay hindi mahanapan ng solusyon. Kahit sa kaibigan ay tapat silang makisama kaya maraming kaibigan. Enjoy siya kapag nagta-travel. Nagpapakasal siya dahil sa pag-ibig at hindi sa kung anupaman dahilan. Liligaya siya sa kapwa niya Cancer, Scorpio or Pisces-born persons.

Ang Cancerian lady ay tapat magmahal sa kanyang asawa. Mahusay siyang ina, magaling mag-asikaso ng kanyang tahanan pero matampuhin lalo na kapag nararamdaman niyang parang binabale-wala siya ng kapamilya. Ang isang nakakainis niyang ugali ay matigas ang ulo.

Ang paglilibang ay mainam na gawin tuwing Linggo o Lunes. Mas malaki ang tsansang magbunga ng maganda ang mga pagsisikap kung isasagawa ang lahat sa Lunes, Martes o Huwebes. Ang Miyerkules ay ilaan sa paglalakbay at pagnenegosyo. Hindi masuwerte ang Sabado. Suwerte ang dulot ng 4 at 6. Attractive sa iyo ang 8 at 1. Walang dating ang 2, 7, at 9. Hindi masuwerte ang 3 at 5. Lucky ang white, cream, red at yellow. Iwasan ang blue at green.

vuukle comment

ANG CANCERIAN

ANG GEMINIAN

ANG MIYERKULES

GEMINIAN

HUWEBES

IWASAN

KAPAG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with