Kakaibang ‘Orgasm’ (1)
Natalakay natin noong nakaraan ang iba’t ibang uri ng orgasm na tinatawag na ‘nipplegasm’. Kung sa tingin ninyo ay mahirap mag-orgasm sa pamamagitan lamang ng stimulation ng nipple, masosorpresa kayo kapag nalaman n’yo ang iba pang kakaibang pag-o-orgasm ayon sa listverse.com. ang website na naglalaman ng Top 10 Lists ng kung anu-anong bagay sa mundo. Maaaring sabihin ninyong imposible ang mga ito pero ang iyong paraan ng pagse-sex ay iba sa paraan ng ibang tao. Narito ang iba’t ibang kakaibang paraan ng pag-o-orgasm.
Pagsisipilyo - Kahit sino ay hindi matutuwa kapag may epilepsy ngunit mas magiging magaan ito i-manage kung sasabayan ito ng mind-blowing orgasms. May ulat diumano na may isang babae ang nakakaranas ng orgasm habang nagsisipilyo. May pagkakataon na sobrang intense ng kanyang orgasm para mawalan ito ng malay. Nakakatawa pero hindi ito masaya para sa naturang babae. Nagkaganito siya dahil sumailalim daw siya sa isang botched surgery (operasyon para ayusin ang clumsiness) na dahilan para hindi na siya makapag-orgasm. Hanggang sa nangyari ang kanyang unang ‘toothbrush episode.’ Ineksamin siyang maigi ng mga doctor at natuklasan na wala nang ibang paraan para mag-orgasm siya kungdi sa pagtu-toothbrush. Dahil dito, gumagamit na lamang siya ng mouthwash. (Itutuloy)
- Latest






















