Ang Numero ng mga Anghel (15)
Kung may hinihiling ka sa iyong guardian angel at aksidenteng may nakita ka na mga numero, narito ang ibig sabihin ng mga nakita mo. Kasama rito ang numerong nakikita sa digital clock:
888 - Matatapos na ang iyong paghihintay para sa katuparan ng iyong pangarap – career or lovelife. Ihanda mo ang iyong sarili.
811 or 881/822 0r 882/884 or 844 - Kung may nawala, huwag malungkot dahil may darating na mas magandang kapalit.
883 or 833 – Ipagpatuloy lang kung ano ang iyong ginagawang mabuti. Nakikiisa sa iyo ang mga anghel at ang Diyos. Sinusubaybayan ka ng iyong anghel sa pagtahak mo ng bagong landas.
885 or 855 – Matataranta ka dahil sa isang pangyayari. Tumawag sa iyong anghel at agad ka niyang tutulungan. May mababago sa iyong buhay.
886 or 866 – Nakatakda kang magbenta ng iyong ari-arian dahil sa isang pangangailangan.
887 or 877/889 or 899/800 or 808 – Matatapos na ang mga paghihirap at mga problema.
- Latest