^

Para Malibang

Maling bintang

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Problema ko ang aking misis. Mahal ko siya kaya sa tuwing ginagabi siya ng uwi, napagbubuhatan ko siya ng kamay. Pinagbibintangan ko siyang may ibang lalaki. Umabot lang ng isang taon ang pagsasama namin dahil hiniwalayan n’ya din ako. Kinuha siya sa akin ng kanyang mga magulang at dinala sa Amerika kung saan naka-base ang nanay niya. Mula noon ay naging miserable ang buhay ko. Natanggal ako sa trabaho dahil hindi ako makapag-concentrate at laging late kung pumasok dahil sa hangover. Umuwi ako sa aking mga magulang. Pinayuhan nila akong suyuin ang aking misis pero hindi ko nagawa. May ibinigay na address sa akin ang isa niyang kaibigan kung saan ko daw puwedeng matunton ang asawa ko. Ano kayang mabuti kong gawin? - Onat

Dear Onat,

Kung talagang mahal mo ang iyong misis ay susundan mo siya hanggang Malaysia. malapit lang naman ang bansang ‘yan. Tutal may iniwan na contact details ang kaibigan n’ya, puwede mong subukan na puntahan ito. Magmakaawa ka sa kanya at patunayang magbabago ka na kung makikipagkasundo siyang muli sayo. Try all means to win her back. Kung talagang ayaw na niya sayo, masakit man pero dapat mong tanggapin ang bunga ng iyong kalupitan. Talagang ang sobrang pagseselos ay lasong sumisira sa anumang relasyon. Sana, ang nangyari sa’yo ay kinapulutan mo ng aral sa buhay at hindi mo na uulitin pa. Good luck.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AMERIKA

ANO

DEAR ONAT

DEAR VANEZZA

KINUHA

KUNG

MAGMAKAAWA

MULA

NATANGGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with