Ang Numero ng mga Anghel (8)
Kung may hinihiling ka sa iyong guardian angel at aksidenteng may nakita ka na mga numero,narito ang ibig sabihin ng mga nakita mo. Kasama rito ang numerong nakikita sa digital clock:
444 – Pinalilibutan ka ng mga anghel ngayon upang ipadama ang kanilang pagmamahal at pagsuporta sa iyo.
Combination of 4’s
441 or 411 – Mag-ingat sa mga iniisip. Malakas ang iyong energy. Malaki ang pag-asang magkatotoo. Ang 411 ay nagsasaad na hingin mo sa iyong anghel ang importanteng impormasyon na kailangan mo at tutulungan ka niya.
442 or 422 – Nariyan lang sa tabi mo ang mga anghel. Naghihintay lang sila ng tawag mo.
443 or 433 – Pinalilibutan ka ng mga anghel at ascended masters (alinman kina Jesus, Mary at Quan Yin, depende sa iyong espiritwal na paniniwala) upang bantayan ka at tulungan anumang oras na tawagin mo sila.
455 or 445 – Tinulungan ka ng iyong anghel sa nangyaring pagbabago sa iyong buhay. Pasalamatan mo siya.
- Latest