^

Para Malibang

Fengshui at Pagbili ng Bahay

SINUSUWERTE KA! - Fortuna - Pang-masa

Huwag bumili ng bahay malapit sa lugar ng inuman.

Ang naglalagi sa lugar na ito ay mga lasenggo. Ang mga adik sa alcohol ay malakas ang pang-akit sa mga negative spirit kaya ang  “presence” ng lasenggo ay nagpapahina ng aura ng ibang tao kapag lumapit sila sa mga ito.

Huwag bumili ng bahay na malapit sa Fire Station.

Oo nga at malapit ang bahay ninyo sa mga tagapa­ngalaga laban sa sunog ngunit ang sirena na anumang oras ay tumutunog ang nagbibigay ng negative feeling sa mga taong nakakarinig nito. Ang mismong building ay nababalot ng negative energy dahil napupuno lagi ng tensiyon ang mga bumbero kapag tumutugon sila sa mga tawag ng mga nasusunugan.

Huwag bibili ng bahay malapit sa Police Station.

Ang mga kriminal na dinadala at ikinukulong sa police station ay mag dadala ng negative energy. Ang negative energy pa naman ng mga kriminal kapag naipon ay napaka-powerful na makakaistorbo sa energy ng buong neighbourhood.  Ang sirena rin nila ay may nagbibigay ng negative feeling kagaya ng naidudulot ng sirena ng bumbero.

Huwag bibili ng bahay malapit sa simbahan at ospital.

Negative energy ang naidudulot ng mga taong nagdadasal doon dahil sa mga problema; ang malungkot na sandali ng mga naulila kapag minimisahan ang bangkay na nasa loob ng ataul. Ganoon din ospital. Mas marami ang nalulungkot dahil may sakit sila kaysa nasisiyahan dahil nagsilang sila ng sanggol. Hindi rin maganda ang ipinaparating sa utak ng tunog ng sirena ng ambulansiya.

Itutuloy

vuukle comment

FIRE STATION

GANOON

HUWAG

ITUTULOY

NEGATIVE

OO

POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with