Bell’s Palsy (3)
Kapag ang lahat ng nabanggit ay hindi nakitaan sa isang pasyente na naparalisa ang bahagi ng mukha ito ay maaaring ikonsiderang Bell’s palsy. Kapag ang doctor ay hindi pa rin sigurado marapat na isangguni sa espesyalista sa tenga, ilong at lalamunan o ENT-otolaryngologist. Ang espesyalistang ito ay maaring mag-refer ng pagsusuri katulad ng:
Electromyography (EMG) – Ang electrodes ay linalagay sa mukha ng pasyente para masukat ang electrical activity ng nerves. Itong pagsusuri na ito ay ginagawa upang madetermina ang pinsala sa nerve at lokasyon nito.
MRI, CT scans or X-rays – Ang mga ito ay mainam upang madetermina ang mga kondisyon na sanhi ng mga sintomas kagaya ng bacterial infection, pinsala sa bungo, at tumor.
Ano ang mga Gamutan sa Bell’s palsy?
Prednisolone - Ang steroid na ito ay epektibo para mabawasan ang pamamaga na makakapabilis ng recovery ng apektadong nerve. Pinipigilan nito ang paglabas ng substances sa katawan na maaaring maging sanhi ng pamamaga katulad ng prostaglandins atleukotrienes. Mga posibleng side effects ng steroid na ito na maaaring maranasan sa mga susunod na araw:
Pananakit ng tiyan
Hirap sa pagtulog
Panunuyo ng balat
Pananakit ng ulo, pagkahilo (umiikot ang paningin).
Sobrang gana sa pagkain.
Sobarang pagpapawis.
Pagbabago-bago ng mood.
Pagdudwal.
Mbagal na paggaling ng sugat.
Pagnipis ng balat.
- Latest