^

Para Malibang

Nadala ng umibig

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Minsan po sa aking buhay ay may nagustuhan akong babae na ilang taon kong niligawan kahit pa hindi nakatitiyak na mapapasagot. May bf kasi siya noon. Pero nadaan din sa pagtitiyaga. Naging kami at nagpakasal. Walang kapantay ang kaligayahan ko noon. Higit pa rito ang inaasahan ko sa aming unang gabi, pero nabalot ng agam-agam ang magdamag na iyon. Dahil ipinagtapat n’ya na 3 buwan na pala siyang buntis at ang ama ay ang nag-iwan niyang bf. Gayunman, nangibabaw ang pagmamahal ko sa kanya at sinabing bibigyan ko ng pangalan at aariing sa akin ang bata. Hindi nagtagal, nangyari ang pinangangambahan ko. Nakikipaghiwalay na siya sa’kin dahil binalikan na raw siya ng bf niya. Sa galit, nasampal ko siya. Dahilan para umalis siya tangay ang bata. Isang sulat ang aking tinanggap mula sa kanya na humihingi ng tawad sa ginawa niya sa akin. Hiyang-hiya ang mga magulang niya sa nangyari. Nag-abroad ako para makalimot pero hanggang ngayon takot pa rin ako na magmahal uli. - Boying

Dear Boying,

Bagamat masakit ang karanasan mo sa pag-ibig dahil mistulang panakip-butas ka sa mga nangyari, huwag sana itong ma­ging daan para tuluyan mo nang ipinid ang puso mo na mu­ling magmahal. Mabuti kang tao at natitiyak kong may naghintay na kaligayahan para sa iyo. Life must go on. Hindi naman siya lang ang babae sa mundo. Maraming iba pang karapat-dapat para sa iyo. Ituring mong isang masamang panaginip ang lahat at kailangan mo ng gumising para hindi bangungutin.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

BAGAMAT

BOYING

DAHIL

DAHILAN

DEAR BOYING

DEAR VANEZZA

GAYUNMAN

HIGIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with